Saved by Grace

Give to Receive!

Nakakatawang Nakakainis…

on April 15, 2010

Hindi ko alam kung bakit kaya ko nakaka-attract ng mga kulangot. Hahaha, este taong nangungulangot sa public place. Like, kanina, sumakay ako ng bus. Hay si Tatang more kulangot. Tapos sumisinga pa, siguro to get out some goo from his nose.

Hay, I mean have some decency man lang sana na gawin yun pag nasa CR or nasa bahay man lang di ba?

***************************

Last night, ang topic namin ni hubby ay tungkol sa pulitika. Election 2010 is fast approaching at its all about election that is shown on TV. So naturally, dun napunta usapan. So, we were talking about ____(a presidentiable), about his apparent “schemes” and stuff and his wealth.

Me: Hay nako, nakakatawa pulitika dito parang circus lang. Wala naman talagang maipakita na magawa pag nakaupo na.

Hubby: Si _____, I feel na may mali sa kaniya ( he used a more offensive term that I don’t want to put here), sabi niya di ba hindi daw siya naniniwala hindi kaya ng presidente na payamanin ang mga Pilipino. Eh parang mali yun di ba, kasi may dahilan naman talaga bakit may mayaman at mahirap e.

Me: well, you have a point pero I think he’s more (adjective na offensive) is because ipinapangako niya ang isang bagay na hindi naman kaniya. He can’t promise people riches na hindi naman kaniya and he can’t claim to be a saviour.

Hubby: Oo nga, tulad niyang _____ na yan, para siyang isda. Maganda, fresh at mapula kasi nakatapat sa ilaw pero yun pala pag binuksan mo ang hasang maputla na.

Me: (Laughing) Galing naman ng analogy ng Kit kit ko na ito! Iboto! Iboto! Iboto!

Hubby: hehehe.

Labo no. Pero come to think of it. Totoo naman, not only for Villar but for almost all politicians as well, kahit nga sa school di ba. Pag start ng school year pasikat ka, kasi botohon ng class officer, pero pag nandun na at ikaw na ang muse (hehehe) wala ka naman gagawin.

My husband will vote for Bro. Eddie Villanueva. He said he want to try out to have a Christian president. I am ok with it, I am a Christian but I explained to Him that I do not believe that the president can save the Philippines. It is only when the Filipinos start to believe in Christ that things will be better. Hindi kaya ng pangulo na payamanin lahat ng Pilipino!

Labo na naman ng entry na to, pero sana may napulot naman kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: