Saved by Grace

Give to Receive!

Pamahiin…

on April 26, 2010


Nung mamatay ang bayaw ng lola ko, I went to the burol naturally. Then, siyempre, because I am still childless after years of marriage, natural ang pangigigil ko sa bata. Nakatuwaan ko yung anak ng pinsan ko na baby girl. Sabi nang Tita ko na may buhat sa kaniya, “Oi, rissa lawayan mo.” Sabi ko, ayoko nga di naman yun totoo eh. All the while looking at my sister who is also a Christian. Tapos umalis ako at pumasok sa loob ng bahay kung san nandon si Lolo. Mula nung kinatuwaan ko yung bata, eh hindi na tumigil ng iyak. So, tinawag ako ng tita ko, “sabi ko sayo lawayan mo eh, yan nabalis.” Ako naman ayoko pa rin. Pero sabi ng kapatid ko, “lawayan mo na ‘te, hindi kasi Christian yung bata eh.” Yun, sige defeated nilawayan ko and I prayed silently. Tapos tumigil na ng iyak yung bata.

Hmmmm…pamahiin, balis. Ano nga ba ang totoo? Sabi ng kaibigan ko wala namang mawawala kung maniwala, sabi ko, meron, ang tiwala mo kay God. Pero pano nga yung ganung sitwasyon no?

Naalala ko tuloy, yung panganay na kapatid ng asawa ko ay namatay nung sanggol pa, sabi ng biyenan ko e dahil daw sa balis din. Kasi daw may bumating 2 babae mga 4pm, tas simula non suka ng suka. Pero nung ipatinging sa doktor wala naman daw sakit. Tas pinahanap nila yung 2 babae para malawayan. Pero siyempre wala na sila. Ayun 4pm the next day nawala na rin ang bata.

Ano -ano pa bang pamahiin ang alam natin, ay ano-ano ang ibig sabihin. Ano bang pamahiin ang kinatatakutan ng ilan?

ITIM NA PUSA – sabi nila pag nakasalubong ka ng itim na pusa, bumalik ka na lang sa bahay mo dahil may mangyayaring masama sa yo sa daan. Malas daw ang itim na pusa. Eh paano kung tumama ka sa lotto at kukunin mo na ang pera eh may nasalubong kang itim na pusa, hindi ka na tutuloy para sa pera?

PULANG HUGIS UNAN, SINULID SA NOO at BLACK AND RED BEADED BRACELET para sa bata- kontra usog daw. At ang sinulid sa noo eh para mawala ang sinok. Paano kung kunin ng bata ang sinulid sa noo at kainin?

SUKOB- controversial to samin ngayon. Pag sa isang pamilya daw eh may kinasal ng sabay sa loob ng isang taon eh, mamalasin daw o magpapligsahan ang dalawang mag-asawa na ikinasal sa taong yun. Dapat kasi nung 2008, nung kinasal kami, naisip din ng kuya ng asawa ko magpakasal sila late that year. Ayaw ng biyenan ko. Magpapligsahan daw kami, pag may sakit ang isa yung isa din magkakasakit, parang ganun. Ano kaya yun?

Ano pa ba? Marami pa. Wag mo tutuluan ng luha ang patay at babalik siya, wag ka magwawalis sa gabi at lalabas ang swerte. Yan at marami pang iba. Ano nga pala ang mawawala pag naniwala ka? Siyempre, ang pagtitiwala at pananampalataya mo sa Diyos na tanging nakakaalam ng lahat sa iyong kinabukasan. Ibig bang sabihin pag nagwalis ako sa gabi eh, hindi na ako pwedeng pagpalain ni Lord?

Mapalad ako at ako ay Kristiyano at alam ko na ngayon kung ano ang pwede kong ituro sa magiging anak ko. Walang kahulugan ang pamahiin, kaya lang siguro nangyayari ang sinasabi mong “malas” ay dahil yun ang iniisip mo, kaya ibinibigay sayo. Dahil wala kang TIWALA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: